
Sa isang "small talk" ni Duterte sa mga tagasuporta sa kanya sa Davao City, may mensahe si President Duterte sa mga drug addict. Bibigyan nya sila ng 3 araw para magbago o umalis sa bansa, pag di sila aalis, mawawala daw talaga sila sa mundo. Kung di daw nila gustong mawala, magparehab na daw sila at ibibigay niya ito ng libre.
Dagdag pa niya, ang programa niya ay para sa mahihirap at hindi para sa mga mayayaman, subalit di naman niya papahirapan ang mga mayayaman. Ang gagawin niya lang sa kanyang pamumuno ay gawin ang tama. Kaya, dapat nang huminto ang mga drug syndicates sa paggawa ng mali dahil hahabulin ni Duterte ang lahat ng salot sa lipunan.