Tinapos na ni Senador Richard Gordon, chairman ng Senate Blue Ribbon Committee, ang pagdinig sa bribery scandal sa Bureau of Immigration (BI).
Sinabi ni Gordon na sa limang pagdinig ng Senado ay nakitaan niyang may pananagutan sina dating Deputy Immigration Commissioner Atty. Al Argosino at Atty. Michael Robles sa kasong extortion.
Inabsuwelto naman ni Gordon si Department of Justice (DOJ) Secretary Vitaliano Aguirre sa kasong extortion.
Maging si gambling tycoon Jack Lam ay inabsuwelto rin ni Gordon sa kasong bribery.
Ayon kay Gordon, wala si Lam nang panahong ibigay ni Wally Sombero ang bribe money Kina Argosino at Robles.
No comments:
Post a Comment