Mariing pinabulaanan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang akusasyong siya ang nasa likod ng Davao Death Squad (DDS) noong alkalde pa siya ng Davao City.
Sa kanyang talumpati sa Cebu, sinabi ni Duterte na hindi siya nag-utos na pumatay ng partikular na tao taliwas sa inihayag ni retired SPO3 Arthuro LascaƱas at ng self-confessed hitman na si Edgar Matobato.
Ayon kay Duterte, ang iniutos lamang niya ay patayin ang mga kriminal kung manlalaban ang mga ito na ikapapahamak ng mga awtoridad.
Una na ring inamin ng pangulo na may mga naganap na pagpatay sa Davao noong termino niya bilang alkalde pero ang mga ito ay resulta aniya ng mga lehitimong police operations.