Nasabi ni incoming President Duterte sa media na ang Bureau of Internal Revenue (BIR) ay isa sa mga pinaka maanomalyang ahensiya sa bansa.
Ayon naman kay BIR Commissioner Kim Henares ay nasaktan siya sa pahayag ni incoming president Duterte.
"Nasasaktan ho ako para sa mga tao ko, sa BIR, kasi anim na taon ho silang nagtrabaho nang mabuti...Naiangat din namin, nila, ang estado ng bansang ito...Hindi nare-recognize [ang] efforts nila," pahayag ni Henares sa panayam ng GMA News' Balitanghali.
Isa ang BIR sa listahan ng mga ahensiyang maaaring buwagin sa ilalim ng administrasyong Duterte. Kabilang diyan ang Bureau of Customs at Land Transportation office.
(adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({
google_ad_client: "ca-pub-6587160181629559",
enable_page_level_ads: true
});
Tuesday, May 24, 2016
Mga pangyayari sa Duterte camp BAGO ang eleksyon 2016
"I was one of those who told Duterte he could be president one day,"
Sabi ni Sec. Jesus Dureza sa isang interview sa ABS-CBN News. Dagdag ni Dureza na hindi raw ginusto ni Mayor Duterte ang Presidency.
Maalalang matagalan bago mag file ng candidacy si Mayor Duterte, ayon kay Dureza ay October pa lang ay nakapag desisyon na ang Mayor ngunit dahil sa personal na rason ay nagbagong muli ang kanyang isip.
"It's hard to say what finally convinced Duterte to run for president." Dagdag ni Dureza.
Ano man ang naging rason ay malalaman natin balang araw. Ngayon ay nais magpasalamat ni Mayor Duterte sa lahat ng nag volunteer na tumulong sa pangangampanya.
Ayon kay Dureza na bagamat hindi hinangad ni Mayor Duterte ang pagka pangulo, alam na raw ng Mayor kung ano ang kanyang gustong gawin bilang pangulo: sugpuin ang korupsyon at kriminalidad.
Subscribe to:
Posts (Atom)