Tuesday, March 7, 2017

Kredibilidad ni Lascañas, nananatili parin? — Trillanes


Mananatiling ‘intact’ ang kredibilidad ni retired SPO3 Arturo Lascañas matapos itong humarap sa Senado kahapon para tumestigo sa mga aktibidad ng Davao Death Squad (DDS).
Punto ni Senador Antonio Trillanes, naidetalye naman ni Lascañas ang mga diumano’y pagpatay na iniutos umano ni Pangulong Rodrigo Duterte at ang anak nitong si Davao City Vice Mayor Paolo Duterte.
Hindi naman umano napasinungalingan ng mag-amang Duterte ang mga akusasyon ni Lascañas.
Una nang sinagot ng nakababatang Duterte ang mga patutsada ni Trillanes at sinabing gumagawa lang ng pera ang senador para sirain ang kanyang ama.
Hindi naman na makahaharap muli si Lascañas sa Senado matapos tapusin ang imbestigasyon sa loob lamang ng isang pagdinig.