Monday, March 13, 2017

Proyekto kontra-pangongotong sa delivery trucks pinirmahan


Nagsanib-puwersa ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Department of Agriculture (DA), Department of the Interior and Local Government (DILG) at Philippine National Police (PNP) para masawata ang pangongotong sa mga delivery truck ng perishable goods.
Nilagdaan ng nasabing mga ahensiya ang isang memorandum of agreement (MOA) para sa food lane project.
Layunin ng nasabing proyekto na matiyak na hindi makokotongan ang mga delivery truck at mapabilis ang pagde-deliver ng mga pagkain sa pamilihan.
Kukuha ng akreditasyon sa DA ang mga trucker para makakuha ng food lane sticker.
Gayunman, sinabi ng DA na hindi magsisilbing ‘pass’ ang nasabing sticker para makalusot sa mga traffic violation, pagdadala ng droga at iba pa.