(adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({
google_ad_client: "ca-pub-6587160181629559",
enable_page_level_ads: true
});
Friday, May 13, 2016
Di Tinanggap ni Pastor Quiboloy Ang Alok na Maging Executive Secretary ni Duterte
Ang long-time bestfriend ni Mayor Duterte sa higit 30 taon na si Pastor Apollo C. Quiboloy na siyang isa sa mga nagtulak na tumakbo siya sa pagiging presidente ay inalokan ni Duterte na maging executive secretary o tinatawag na "little president" na posisyon.
Ang executive secretary ay ang pinakamataas na posisyon sa lahat ng gabinete ng presidente. Siya ang umaalalay sa lahat ng mga gawain ng presidente. Siya rin ang nagpapatupad sa lahat ng mga utos at pwedeng magdedesisyon 'in behalf' ng presidente. Kaya ang posisyon na ito ay tinawag na 'little president' dahil sa ganitong responsibilidad.
Ganunpaman, kahit napakataas na ng tungkolin na inaalok ni Duterte kay Pastor Apollo, mas nanaisin niyang maging isang "spiritual adviser" lang ni Duterte sapagkat ang tungkolin daw niya ay para sa mga spiritual na mga bagay, pahayag niya sa mga CNN reporters noong May 12, 2016.
Sinusuportahan niya si Duterte dahil hindi lang siya matalik niyag kaibigan kundi tinuturing niya itong kapatid.
Si Pastor Apollo Quiboloy ay ang nagbigay ng jet, sasakyan, at ari-arian kay Duterte kahit noong pang hindi siya presidente.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment