Obama, pinayuhan si Duterte na hintayin ang desisyon ng arbitral tribunal sa kasong isinampa ng Pilipinas kaugnay ng agawan sa West Philippine Sea
Isa sa mga pinag-usapan nina incoming President Rodrigo Duterte at U.S president Barack Obama ang isyu ng West Philippine Sea.
Ayon kay Duterte, sinabi sa kanya ni Obama na dapat niyang hintayin ang resulta ng arbitration case na isinampa ng Pilipinas laban sa pang-aangkin ng China sa West Philippine Sea.
Dagdag pa ni Duterte, kung hindi magiging matagumpay ang kaso ay ikakasa niya ang bilateral talks sa China.
Ngayong taon na inaasahang maglalabas ng desisyon ang arbitral tribunal patungkol sa kaso.
No comments:
Post a Comment