Saturday, May 21, 2016

Pag-sorry ng Duterte Camp, 'Di taos-puso - Quiboloy camp


Itinuturing na mababaw ng kampo ni Pastor Apollo Quiboloy ang rason ng kampo ni presumptive President Rodrigo Duterte kung bakit naputol ang koneksyon ng dalawang magkaibigan.
Sinabi sa Brigada News FM National ni Mike Abe, spokesman ni Ptr. Quiboloy, hindi taos-puso o walang 'sincerity' si Peter Laviña, spokesman ni Duterte, sa paghingi ng tawad.
Ayon kay Abe, imposibleng kulang sa oras at masyadong abala si Duterte para magkaroon ng pagkakataong makonsulta si Quiboloy sa pagpili ng mga gabinete nito.
Naniniwala umano silang hinaharang lamang ng mga nakapaligid sa incoming president ang pag-uusap ng dalawang matalik na magkaibigan.
Una rito ay nagtampo si Ptr. Quiboloy kay Duterte dahil sa pagbalewala sa kanya matapos na itong manalo sa presidential race.

No comments:

Post a Comment