Thursday, June 2, 2016

Duterte suportado ang media killing?



'Do not misinterpret the statement of the President. Ang sinabi lang naman ng President we have freedom of the press, but we also have to be responsible in exercising it.'

ito ang pahayag ni Sen. Koko Pimentel matapos magkagulo ang publiko sa pahayag ni President-elect Duterte tungkol sa Meda Killing. "Just because you're a journalist you are not exempted from assassination, if you're a son of a bitch," ito naman ang naging pahayag ni Duterte noong May 31 na nagsimula ng galit ng publiko.

dagdag ni Duterte "Most of those killed, to be frank, have done something. You won't be killed if you don't do anything wrong...That can't be just freedom of speech. The Constitution can no longer help you if you disrespect a person,"

“Given the nature of the Filipino, sometimes they resort to violence. And the Constitution cannot protect you from violence. What has not been stated (by Duterte) is that these people who violated the law by employing violence must be brought to justice,” ito naman ang dagdag na pahayag ni Pimentel patungkol sa issue.

Ayon kay Pimentel na ang gusto lang namang sabihin ng President-elect ay maging sino ka man, kung gumamit ka ng dahas ay di ka ma proprotektahan ng kontistusyon.

Wednesday, June 1, 2016

Mga detalye ng DUTERTE THANKSGIVING PARTY!!!



“DU31: One Love, One Nation Thanksgiving Party,"

Ito ang magiging tawag sa Thanksgiving ni President-elect Rodrigo Duterte sa Davao ngayon June 4 sa Crocodile Park.


Ang nasabing event ay magsisimula ng 1 pm at matatapos ng 1am. Mula 1-8pm mag papakitang gilas ang local performers. 8-10 pm naman ang mga Metro Manila artists tulad nina Vice Ganda, Carlos Agassi at Jimmy Bondoc. 10pm -1am naman ang dance party kung saan Manila based Dj's ang magpapakitang gilas. 


Sina Kat at Arnel Ignacio naman ang magiging host ng event. 


At dahil na rin nga sa makulimlim na panahon sa Davao ay pinaalalahan ng organizers sa lahat ng dadalo na magdala ng raincoat o payong.


Inaasahan naman na magdedeploy ang mga ahensiya ng 4,500 security personnel at inaasahan rin ang pagtulong ng Air Force sa seguridad. Mula naman 1pm hanggang 10 pm ay mayroong medical mission at feeding program sa People's Park.