Nakiusap si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga lokal na opisyal ng Mindanao na tulungan siya sa paglaban sa terorismo sa rehiyon.
GInawa ito ni Duterte sa kanyang pakikipagharap sa mga mayor at gobernador ng buong Mindanao sa Davao City.
Binigyang-diin ng pangulo na tanging local executives ang makatutulong o makagagawa ng paraan upang maiwasang kumalat ang terorismo sa kanilang mga lugar.
Sinabi ng pangulo na maaari ding hingin ng mga lokal na opisyal ang suporta ng militar kung kinakailangan.
Giit ng pangulo na kung magiging ‘out-of-control’ na ang karahasan sa Mindanao dahil sa mga terorista, mapipilitan siyang magdeklara ng Martial Law.
Tiniyak naman ni Pangulong Duterte na makaaasa ng tulong mula sa kanya ang mga mayor at gobernador na makakasuhan sa Ombudsman hinggil sa kampanya para sa kapayapaan.
No comments:
Post a Comment