Tuesday, March 21, 2017

Alejano tinawag ni President Duterte na ‘mayabang’ at ‘duwag’ kagaya ni Sen. Trillanes


“Mayabang kayo, mga duwag.”
Ito ang itinawag ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Magdalo Representative Gary Alejano.
Ginawa ng pangulo ang pahayag sa harap ng Filipino community sa bansang Myanmar.
Reaksiyon ito ni Duterte sa balak ni Alejano na maghain ng supplemental complaint kaugnay ng isyu sa Benham Rise.
Bukod pa rito ang nauna nang paghahain ni Alejano ng impeachment complaint laban kay Duterte sa Kamara.
Ayon sa pangulo, walang karapatang magsalita ng katapangan ang grupo ni Alejano dahil puro kahihiyan lamang umano ang ginawa ng grupo nito noong magsagawa ng mutiny sa Oakwood Hotel sa Makati.
Dagdag pa ni Duterte, dapat kay Alejano ay ipadala bilang unang batch ng mga Pilipinong gustong angkinin ang Spratly Islands at makipaglaban sa China.

Senate President Koko dares LP senators to denounce impeachment raps vs. Duterte to show they’re not involved

Senate President Aquilino “Koko” Pimentel III on Monday (Mar. 20) found himself in a word war of sort with members of the Liberal Party (LP) in the minority bloc who lashed back at him for saying that the impending impeachment complaint against Vice President Leni Robredo’s has a big chance of progressing in the House of Representatives.
Pimentel retaliated by challenging the LP senators to denounce the those behind the impeachment complaint against President Duterte if only to disprove the suspicions on them having a hand in ousting the Chief Executive from office.
“Let us say wala ngang hand ang LP sa filing of impeachment the impeachment process, kasi ang tanong dito sino ba ng unang sumuntok? Yun ang tanong dito sino ba ng unang nanuntok? Let say walang hand ang LP dito, I hope they denounce the people behind the impeachment process. They are not denouncing so kaya tumutuloy yung duda,” he said in an interview with reporters.
Pimentel said House Speaker Pantaleon Alvarez cannot be blamed if he reacted strongly on the filing of impeachment complaint against Duterte.
“Ginising nila ang sleeping giant na si Alvarez. Kaya pana-react tuloy si Speaker and he has the numbers. That the problem ang ginising ninyo ay sleeping giant,” he said.
“If they are not really behind this impeachment they should denounce the impeachment against Duterte, denounce the people behind the impeachment (case),” Pimentel added.
Pimentel reiterated Monday his position, saying that he was speaking theoretically, given that of the current 294 lower house members, about 230 are part of the so-called super majority coalition and only about one-third or 100 congressmen are needed to back up Alvarez’ soon-to-be filed impeachment complaint against Robredo.
From their political party alone, the Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban), Alvarez commands a following of 109 congressmen, Pimentel noted.
“It is more than the threshold number of 100. But what I know is that the Speaker has 230 plus followers in the House of Representatives,” he added.
Alvarez’ planned filing of impeachment case against the Vice President stemmed from Robredo’s criticisms on the government’s war on drugs contained in a video message to the United Nations Commission on Narcotic Drugs.

Monday, March 20, 2017

Vice Pres. Robredo wala daw kinalanam sa impeachment complaint vs Duterte — Hernandez


Itinanggi ng kampo ni Vice President Leni Robredo ang mga alegasyong may kinalaman siya sa impeachment complaint na inihain laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon sa tagapagsalita ni Robredo na si Georgina Hernandez, mismong ang naghain ng reklamo na si Congressman Gary Alejano ang nagsabing Magdalo Group lang ang nasa likod ng impeachment complaint.
Malinaw rin aniyang sinabi ng kongresista na walang kinalaman si Robredo sa paghahain ng reklamo.
Si House Speaker Pantaleon Alvarez ang nagsabing si Robredo ang nasa likod ng impeachment complaint.
Ani Alvarez, nagmamadali si Robredo na pumalit kay Duterte.

Thursday, March 16, 2017

Kalbo ang lakas ng loob maghain ng Impeachment complaint vs President Duterte sa Kamara


Naghain ng impeachment complaint laban kay Pangulong Rodrigo Duterte ang Magdalo Party-list sa pangunguna ni Representative Gary Alejano.
Kabilang sa mga basehan ng impeachment complaint na inihain ni Alejano ang ‘culpable violation of constitution, betrayal of public trust, graft and corruption, bribery at high crimes.’
Inihain ang reklamo sa House Office of the Secretary General.
Naniniwala si Alejano na maraming susuporta sa reklamo.
Samantala, pag-aaralan naman ng partido ang isyu sa Benham Rise para maisama sa impeachm

Tuesday, March 14, 2017

Trillanes itinangging may pinaplanong destabilisasyon laban kay Pres. Duterte


Itinanggi ni Senador Antonio Trillanes IV na mayroon siyang pinaplanong kudeta o destabilisasyon.
Sa isang statement, sinabi ni Trillanes na dahil wala siyang gagawing kudeta ay wala ring kailangang pondohan.
Nagsasabi lang aniya ng katotohanan ang mga self-confessed hitman na sina Edgar Matobato at Arturo LascaƱas.
Problema na umano ng administrasyon kung ‘nayayanig’ sila sa mga ibinunyag nina Matobato at LascaƱas na nagdidiin kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi rin ni Trillanes na kaibigan umano ng pangulo ang mining companies kaya hindi nito maipatupad ang mga suspension order ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Gina Lopez.
kaibigan din umano niya ang mga drug lord kaya’t ni isa ay wala pa aniyang nahuhuli at puro mahihirap lamang ang napapatay.

Sen. De Lima refuses to enter plea on 'disobedience to summons' case file against her



In her first public appearance since her detention, Sen. Leila de Lima refused to enter a plea before the Quezon City Metropolitan Trial Court over her alleged 'disobedience to summons' case during hearings at the Lower house last year into the illegal drug trade in Bilibid.

Monday, March 13, 2017

Proyekto kontra-pangongotong sa delivery trucks pinirmahan


Nagsanib-puwersa ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Department of Agriculture (DA), Department of the Interior and Local Government (DILG) at Philippine National Police (PNP) para masawata ang pangongotong sa mga delivery truck ng perishable goods.
Nilagdaan ng nasabing mga ahensiya ang isang memorandum of agreement (MOA) para sa food lane project.
Layunin ng nasabing proyekto na matiyak na hindi makokotongan ang mga delivery truck at mapabilis ang pagde-deliver ng mga pagkain sa pamilihan.
Kukuha ng akreditasyon sa DA ang mga trucker para makakuha ng food lane sticker.
Gayunman, sinabi ng DA na hindi magsisilbing ‘pass’ ang nasabing sticker para makalusot sa mga traffic violation, pagdadala ng droga at iba pa.