Wednesday, March 1, 2017

Suspek sa road rage incident sa QC, pinayuhang sumuko na lang


Pinaghahanap pa rin ng Quezon City Police District (QCPD) ang tukoy nang suspek sa pamamaril sa isang motorcycle rider noong weekend.
Kinilala ng QCPD ang suspek na si Fredison “Sonson” Atienza.
Ani QCPD Director Guillermo Eleazar, base sa firearms license record ni Atienza ay residente ito ng Karuhatan, Valenzuela City.
Positibo namang kinilala si Atienza ng kapatid ng biktimang si Anthony Mendoza sa pamamagitan ng larawang iprinisinta ng QCPD.
Naniniwala si Eleazar na nasa Pilipinas pa si Atienza na umano’y high roller poker player.
Pinayuhan ni Eleazar si Atienza na sumuko na lamang sa pulisya.

No comments:

Post a Comment