Wednesday, March 1, 2017

Trillanes, hindi natatakot sa bantang pagsasampa ng kaso laban sa kanya ni SolGen Calida

Hindi nagpatinag si Senador Antonio Trillanes IV sa banta ni Solicitor General Jose Calida na sampahan siya ng kaso.
Sa isang statement, sinabi ni Trillanes na kahit pa bantaan siya ay gagampanan pa rin niya ang mandato na ibunyag si Pangulong Rodrigo Duterte.
Maninindigan din umano siya sa pag-abuso sa kapangyarihan ng administrasyon.
Kaya hamon ni Trillanes, tumahimik na lang si Calida at gawin na lang ang banta nitong pagsasampa ng kaso.
Si Trillanes ay binantaang kakasuhan dahil sa umano’y pagkakanlong kina Edgar Matobato at Arthur Lascañas na kapwa umaming miyembro ng Davao Death Squad (DDS).

No comments:

Post a Comment